Close

PRRD, magpapahuli sa pagpapabakuna kontra COVID-19

Sponsor ads


Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na mapagpahuli sa pagpapabakuna kontra COVID-19 upang matiyak na mauuna ang frontliners at vulnerable sectors sa pagpapaturok.

Sinabi ng Pangulo na kung may matitira pang bakuna pagkatapos mabakunahan ang mga sundalo at mahihirap ay sabay-sabay na silang magpapahuli sa vaccination nina Senator Christopher Bong Go, Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pa.

Inihayag ito ng Pangulo habang dinidipensahan ang bisa ng China-made vaccines.

Noong Agosto, ay unang sinabi ng Pangulo na nais niyang mauna sa pagpapabakuna kontra COVID-19 para ipakita sa publiko na ligtas ito.

Inihayag ng Pangulo na bukod sa health workers ay kabilang sa priority sectors para sa vaccination ay ang mga guro, social workers, mga empleyado ng gobyerno kabilang na ang mga nagta-trabaho sa agrikultura, pagkain at turismo.