Close

PRRD, inabisuhan ang mga evacuees sa Batangas na huwag munang umuwi

Sponsor ads


Inabisuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga residente na lumikas dahil sa pag-aalboroto ng Bulkang Taal na iwasan munang bumalik sa kani-kanilang mga bahay hangga't hindi pa natitiyak ang kanilang kaligtasan.

Sinabi ito ng Pangulo matapos niyang mamahagi ng ayuda sa mahigit 3,000 evacuees na kanyang binisita sa Batangas City Sports Complex.

Ayon sa Pangulo, gagawin niya ang lahat upang tumulong at maibalik sa normal ang sitwasyon sa Batangas, Cavite, at Laguna.

Mababatid na laman ng mga food packs na ibinahagi ng Pangulo sa mga evacuees ang 6 na kilong bigas, apat na delata ng sardinas, 3 delata ng corned beef, 2 delata ng tuna, at 5 sachet ng kape.

Binigyan rin ng Pangulo ng P3,000 ang bawat pamilya.