Close

PRRD, hiniling na mabuo ang matitibay na evacuation centers bago mag 2022

Sponsor ads


Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng matitibay na evacuation centers sa mga lugar na laging tinatamaan ng mga kalamidad.

Sa situation briefing ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas ay inutos ng Pangulo ang "simultaneuos" na konstruksyon ng evacuation centers lalo na sa mga disaster prone areas tulad ng Samar, Leyte, at Isabela.

Umaasa ang Pangulo na matatapos ang mga evacuation centers bago magwakas ang kanyang termino sa 2022.

Ipinunto ng Pangulo na gusto niya na kakayanin ng evacuation centers na mag-accomodate ng malalaking bilang ng mga evacuees, at dapat ay magkahiwalay ang banyo ng mga lalaki at babae.

Samantala, sinabi naman ng Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng evacuees na posibleng nabigo ang mga tao sa Batangas na mag-alay sa Taal kaya ito nag-aalburoto.