Close

PRRD, tinuturing na intriga ang resolusyon ng UNHRC

Sponsor ads


Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyon ng United Nations Human Rights Council bilang pang-iintriga sa kampanya ng gobyerno kontra ilegal na droga.

Ito ay matapos paboran ng 18 mula sa 47 members states ang resolusyon na nagmamandato sa Council na mag-imbestiga sa sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa kabilang na ang patayan na may kinalaman sa war on drugs.

Ayon sa Pangulo, re-reviewhin niya muna kung papayagan niyang makapasok ang UN probers sa bansa.

Matatandaan na sinuportahan ng international human rights group Amnesty International ang resolusyon na pinangunahan ng Iceland sa pamamagitan ng paglalabas ng report kung saan ay sinabi doon na umabot sa mahigit 27,000 ang bilang ng drug related killings.