Close

PRRD, tiniyak na walang pilitan sa pagsali sa vaccination program ng gobyerno kontra COVID-19

Sponsor ads


Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pinipilit ng pamahalaan ang mga tao na sumama sa libreng COVID-19 shot na handang ibigay ng gobyerno sa mahihirap at frontliners.

Sinabi ng Pangulo na maraming Local Government Units ngayon ang naglalaan ng mga sarili nitong pondo upang makapili sila ng bakuna na magagamit sa kanilang constituents.

Iginiit ng Pangulo sa mga alkalde at iba pang lokal na opisyal na walang pakialam ang gobyerno sa bibilhin na bakuna ng mga lokal na pamahalaan.

Gayunpaman, obligasyon pa rin anya ng gobyerno na tiyaking ligtas ang pipiliin na bakuna ng lokal na pamahalaan dahil sakaling may mapahamak na Pilipino ay sila rin ang mamomroblema.

Tiniyak naman ng Pangulo na pinaghandaan ng gobyerno ng mabuti ang pagbili sa mga bakuna, at tama ang mga tao na kanilang napili para sa acquisition, pagbili, at distribusyon ng bakuna.