Close

PRRD, muling nagpatutsada laban sa mga pari

Sponsor ads


Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na meron umiiral na persecution ng mga pari sa bansa.

Binanggit ito ng Pangulo matapos sabihin ni Dagupan-Lingayen Archbishop Socrates Villegas na ang mga pambabatikos ni Duterte sa Simbahang Katolika ang nagiging dahilan sa pagdami ng mga krimen laban sa mga pari.

Giit ng Pangulo sa harap ng mga na-promote na sundalo sa Malacañang na wala siyang utos na i-persecute sa mga pari.

Kaugnay nito ay muling nagpatutsada si Duterte laban sa mga nambababae na pari.

Naniniwala si Duterte na katulad niya lang ang mga lider ng Simbahang Katolika pagdating sa pakikipagrelasyon sa mga babae.

Meron anya natanggap na impormasyon ang Palasyo tungkol sa pambabae ng isang pari na pinatay pero mas pinili nito na huwag nalang ilabas dahil sa pagkasensitibo ng isyu.

Kinondena rin ng Pangulo ang anya'y tila pagpapanggap ng mga pari bilang mga santo habang ipinipinta ang gobyerno, sundalo at pulis bilang mga demonyo.

Matatandaan na una nang sinabi ng Pangulo na mapipilitan siyang ilabas ang baho ng Simbahang Katolika kung hindi titigil ang mga ito sa pambabatikos ng gobyerno.