Close

PRRD, muling nagbanta haharangin ang prangkisa ng ABS-CBN

Sponsor ads


Muling nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na haharangn ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN na nakatakdang mapaso sa 2020.

Ito ay matapos akusahan ng pangulo ang television network na hindi nag-palabas ng kanyang campaign ad noong 2016 presidential election kahit pa bayad na ito.

Ayon kay Duterte, hindi niya papalusutin ang network dahil marami itong niloko.

Kabilang na umano rito si Senador Francis Chiz Escudero.

Kwento pa ng pangulo, inalok siya ng television giant na ibalik ang kanyang bayad ngunit tinanggihan niya ito dahil tapos na ang eleksyon.

Samantala, matatandaan naman na ilang ulit na ring binatikos ni Duterte ang ABS-CBN dahil sa umanoy biased nitong pagbabalita kabilang na ang isyu hinggil sa ill-gotten wealth at kontrobersiyal na kampanya kontra ilegal na droga.