Close

PRRD, iginiit ang arbitral ruling sa China - Palasyo

Sponsor ads


Inihayag ng Palasyo na epektibong igniit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang napanalunang arbitral ruling ng Pilipinas laban sa China sa South China Sea matapos nitong sabihin sa Beijing na lubayan ang Pag-asa Island.

Ang tinutukoy ng Malacañang ay ang talumpati ng Pangulo sa Palawan noong April 3 nang sabihin ni Duterte sa China na huwag galawin ang Pag-asa Island matapos magsulputan doon ang mga sasakyang pandagat ng mga pinaniniwalaang Chinese maritime militia.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang arbitral ruling na inilabas ng tribunal ay base sa mga batas sa karagatan na tinatanggap sa international law.

Giit ni Panelo, maituturing bilang permanente ang desisyon ng hukom, at bagay ito na hindi pwedeng kunin mula sa atin.

Sinabi ni Panelo na bagama't hindi ito pinaniniwalaan ng China ay dapat pa rin nila itong respetuhin.

Matatandaan na naselyohan ng Pilipinas ang makasaysayang panalo nito laban sa China sa United Nations arbitral tribunal sa The Hague noong July, 2016 kung saan ay sinabi nito na walang basehan ang 9-dash claim ng Beijing sa South China Sea.