Close

PR Boxing Superstar Juan Manuel "Juanma" Lopez, retirado na

Sponsor ads


Nagdesisyon na si Juan Manuel "Juanma" Lopez na isang sikat na Puerto Rican Boxer na huwag nang tumapak muli sa boxing ring matapos nitong i-anunsyo ang kanyang pagreretiro.

Matatandaan na nakasalpukan na noon ni JuanaMa ang ilang Pinoy Boxer gaya ni Bernabe Concepcion na kanyang pinataob sa Second Round ng kanilang bout.

Taglay ni Lopez na itinuturing na Puerto Rican Boxing Star ang 43 Professional Fights sa kanyang 15 taong sa boxing.

Bago tuluyang isabit ang kanyang boxing gloves, nagtamo siya ng 36 Wins, 6 Losses, 1 Draw kung saan 32 dito ay KnockOut.