Close

PPBU, ipapatupad sa polling precincts sa Cotabato City

Sponsor ads


Pasok, pila, boto, uwi o PPBU.

Ito ang makikita sa polling precincts sa Cotabato City.

Mababatid na idineklarang under control ng Commission on Elections o Comelec ang Cotabato City matapos ang nangyaring pagsabog noong Disyembre,

Ayon kay Major General Cirilito Sobejana, commanding general of the Army's 6th Infantry Division, magsisilbing guide ng mga botante ang PPBU para sa mas maayos na pagboto.

Kaya naman pakiusap ni Sobejana, sumunod sa itinalaga nilang sistema.

Babala ni Mark Sorilla, acting election officer ng Cotabato City, maaari nilang kaladkarin ang sinumang hindi makukuha sa pakiusapan.

Tiniyak ng election officers na mahigpit nilang ipatutupad ang PPBU para maiwasan ang tensyon sa political rivals.

Ang Cotabato City ay mayroong higit 114,000 na registered voters.