Close

POC suportado ang postponement ng Tokyo Olympics

Sponsor ads


Suportado ng Philippine Olympic Committee ang pagkakansela ng 2020 Tokyo Olympics dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay POC President Abraham “Bambol” Tolentino sang-ayon siya na ipostpone na lang ang Olympic Games sa 2021.

Dahil sa postponement sinabi ni Tolentino na mas maraming Filipino ang magkakaroon ng tiyansa na makapag-qualify sa Olympics.

Mas mahalaga umanong mapangalagaan muna ang kalistasan at kalusgan ng bawat atleta.

“A 2021 schedule is ideal enough. I favor a postponement because the health and safety of everyone in sports—both in the Philippines and all over the world—is paramount in this COVID-19 pandemic,’’ ayon kay Tolentino.