Close

PNP: Di pa namin hawak ang suspek sa Silawan slay case

Sponsor ads


Nilinaw ngayon ng Philippine National Police (PNP) na wala pang inilalabas na picture ang Special Investigation Task Group (SITG) sa karumal-dumal na pagpatay kay Christine Silawan sa Lapu-Lapu, Cebu.

Ito ang ginawang paglilinaw ni PNP spokesperson PSSupt. Bernard Banac matapos na lumabas ang ilang litrato sa ilang news websites na sinasabing suspek sa pagpatay kay Silawan.

Kasabay nito ay sinabi rin ni Banac na ang hawak ng PNP ay impormasyon pa lamang tungkol sa person of interest sa kaso at hindi mismo ang naturang tao.

Sa ngayon aniya ay patuloy pang tinutugis ng PNP ang sinasabing person of Interest sa pagpatay kay Christine Silawan.

Si Silawan ay natagpuan noong Lunes sa bakanteng lote sa Sitio Mahayhay, Barangay Bangkal sa lapu-lapu, Cebu na tadtad ng saksak, walang damit pangibaba at bungo na lang ang nakita sa mukha.