Close

PNP Gensan, pinagpapaliwanag sa serye ng pamamaril

Sponsor ads


GENERAL SANTOS CITY - Agad na ipapatawag ng Sangguniang Panlungsod ang hepe ng General Santos City Police (GSCPO) upang magpaliwanag hinggil sa serye ng pamamaril patay sa lungsod.

Ayon kay Gensan Councilor Atty,. Franklin Gacal Jr., chairperson ng Committee on Peace and Order kailangan ng lokal na opisyal ang paliwanag ni Police Senior Supt. Raul Supiter, City PNP Director lalo na't nasa pito katao na ang naitalang mga shooting incident.

Nais malaman ni Gacal na malaman ang mga profile ng mga biktima upang malaman kung ano ang ginagawa ng mga otoridad sa nasabing krimen.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad karamihan sa mga biktima ang sangkot sa illegal drugs habang ilan naman ay bagong labas ng kulungan maliban pa sa personal grudge.