Close

PNP-CITF, target na itokhang ang mga pasaway na pulis

Sponsor ads


Kinukunsidera ng Pilippine National Police-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) ang pagsasagawa ng Oplan Tokhang sa mahigit 1,000 pinaghihinalaang police scalawags sa kanilang watch list.

Ayon kay CITF chief Police Senior Supt. Romeo Caramat Jr., dapat ay subukan din nila ang proseso ng Oplan Tokhang laban sa mga scalawag na nasa kanilang watchlist.

Sinabi ni Caramat na susubukan muna nilang pakiusapan ang mga pasaway na pulis na tigilan na ang kanilang iligal na gawain at magbago na ng tuluyan.

Sa ilalim ng orihinal na Oplan Tokhang ay kinakatok ng mga pulis ang mga hinihinalang drug suspects upang kumbinsihin sila na itigil na ang kanilang mga illegal na aktibidad.

Gayunpaman, inulan ng kritisismo ang salitang tokhang dahil sa libo-libong mga drug suspects na napapatay sa ilalim ng madugong giyera kontra sa illegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mababatid na as of August 9 ay umabot na sa 4 ang bilang ng mga police scalawag ang napapatay ng CITF habang nasa 87 naman ang naaresto.

Matatandaan na sinabi ng Pangulo ng personal sa harap ng mahigit 100 pasaway na pulis na wala siyang magagawa kundi ipapatay ang mga ito kung patuloy sila na gagawa ng masama.

(Image: Presidential photos)