Close

PNP: Walang ranson sa pagpapalaya sa 2 cops

Sponsor ads


Nanindigan ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Oscar D. Albayalde na hindi nagbayad ang gobyerno ng kahit anung ransom para sa pagpapalaya sa dalawang babaeng pulis na dinukot ng Abu Sayyaf sa Sulu.

Matatandaan na pinalaya ng ASG sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad ng magkasunod na araw matapos dukutin ang mga ito sa Patikul, Sulu noong April 29.

Giit ni Albayalde, ang pinaigting na military at police operations maging ang efforts ng local government ang nag-pressure sa mga dumukot na apakawalan ang kanilang bihag.

Sa kasalukuyan, nasa kustudiya pa ng local government ang naturang mga pulis at nakatakdang isailalim sa debriefing at medical treatment.