Close

PNP, nilinaw na wala silang ineendorsong kandidato

Sponsor ads


Pinabulaanan ng Philippine National Police ang umanoy pag-eendorso nila ng kandidato matapos ang pagdalo ni dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go, na tumatakbo sa pagkasenador sa event ng pambansang pulisya.

Nangyari ang paglabas ni Go sa naturang event bisperas ng pagsisimula ng campaign period para sa mga national candidates.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, wala silang nilabag na batas nang papuntahin si Go sa kaganapan.

Dagdag pa ni Albayalde, hindi ito taliwas sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng gabinete na huwag mangampanya para sa kahit na sinong kandidato.

Mababatid na kwinestyon ng election watchdog na Kontra Daya ang presenya ni Go sa event.