Close

PNP, kinalma ang publiko matapos maaresto ang ASG member sa QC

Sponsor ads


Kinalma ng Philippine National Police (PNP) ang publiko kasunod ng pagkaka aresto ng isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Quezon City.

Ayon kay NCRPO chief PMGen. Guillermo Eleazar, nanatiling malayo sa anumang banta ng Terrorismo ang Metro Manila sa kabila ng pagkakaaresto ng pinagsanib na puwersa ng Pulisya at Militar sa Sub-Leader ng Abu Sayyaf na si Ibrahim Labog Mullo.

Lumalabas na Enero ng taong ito nang dumating si Mullo sa Metro Manila kasama sina Arnel Flores Cabintoy alias Musab, Feliciano Mañas Sulayao Jr. alias Abu Muslim, isang nakilala lamang sa alias Rowel Adam na pawang mga miyembro ng Ajang Ajang Group.

Nabatid na unang naaresto sina Cabintoy at Sulayao sa Brgy. Culiat sa bisa ng Martial Law order number 2 na ipinalabas ni Defense Secretary Delfin Lorenzana dahil sa Rebelyon.

Pagkatapos nito ay naaresto naman ang 26 anyos na si Mullo nuong Sept. 27 sa tinutuluyan nito sa Batasan hills kasunod ng ikinasang follow up operations ng mga awtoridad

Paglilinaw ni Eleazar na wala namang plano sina Mullo na maghasik ng gulo sa Metro Manila batay na rin sa nakalap nilang impormasyon at marahil ay narito aniya ang mga nabanggit na personalidad para magtago.//ROCKY LESIGUES