Close

PNP, itinanggi ang nilulutong ops vs IBON Foundation

Sponsor ads


Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na may nilulutong operasyon ang kanilang mga tauhan sa tanggapan ng IBON Foundation.

Ayon kay NCRPO chief PBGEn. Debold Sinas, wala aniyang katotohanan ang naturang ulat lalo't hindi na konektado sa NCRPO si Alba at wala namang dahilan para puntahan at silipin ang nasabing tanggapan.

Sa huli, nanindigan si Sinas na ang kanilang mga operasyon ay nakasalig sa mga hawak nilang impormasyon at dokumento gayundin ay naayon sa mga umiiral na batas.

Mababatid na kumalat sa Social Media ang ulat hinggil sa isasagawang occular inspection ng mga Pulis sa nasabing tanggapan.

Batay sa post ng naturang thinktank group, isang Col. Joaquin Alba umano ang nagtimbre sa kanila ng nasabing inspeksyon sa harap ng sunud sunod na pagsalakay sa opisina ng mga progresibong grupo.