Close

PNP, dumipensa re: order on spot reports

Dumipensa ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng order mula kay chief General Ronald "Bato" Dela Rosa na bawal nang magbigay ng spot reports sa media ang pullisya.

Ito ay kasunod ng apela ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na bawiin ng PNP chief ang order dahil labag umano ito sa pagpapakita ng transparency at accountability sa police operations.

Ayon kay Carlos, ang inilalabas naman nilang impormasyon sa media ay galing sa press release at kung ang spot report umano ay kasama sa ongoing investigation, hindi dapat ito inilalabas.

Kaya pinaalahanan ng pambansang pulisya ang kanilang mga tauhan na i-review ang PNP-media relations manual.

Gayunman, sinabi ni PRO-7 Chief Superintendent Mario Espino na maaari pa ring makipag-ugnayan ang mga mamamahayag sa kanila at nangakong ibibigay ang press release ng kanilang mga operasyon.