Close

PMA: Wala pang indikasyon ng foul play sa drowning incident

Sponsor ads


Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Philippine Military Academy at Philippine National Police kaugnay sa pagkamatay ng isa na namang kadete matapos matagpuan sa campus swimming pool kahapon.

Ayon sa PMA, layon nitong alamin ang mga pangyayari bago masawi ang biktimang si Cadet 4th Class Mario Telan Jr. na pinaniniwalaang nalunod.

Ginagawa na rin aniya ang lahat ng hakbang at nagpapatupad ng protocol para maiwasan ang iregularidad sa imbestigasyon.

Sa ngayon ay sinuspinde muna ang swimming classes hangga't hindi nareresolba ang kaso habang wala pang nakikitang indikasyon ng foul play.

Sinasabing dumalo pa sa swimming class si Telan bandang alas-onse ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali at natagpuan na lang na patay na bago mag-alas tres ng hapon.