Close

PLDT, nire-review ang status ng 7,000 contractual employees

Sponsor ads


Inaaral na ng PLDT Inc. ang status ng 7,000 nitong tauhan matapos iutos ng gobyerno ang kanilang regularization.

Ito ay kahit plano pa rin ng kumpanya na kwestyunin ang desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni PLDT chief corporate services officer Ray Espinosa sa annual meeting ng mga stockholder sa Makati na susunod muna sila sa regularization order ng DOLE habang hinihintay ang desisyon ng Court of Appeals sa kanilang petisyon.

Inaalam rin ng PLDT kung fit to work pa rin ang 7,000 mga empleyado ng kumpanya.

Samantala, nanindigan naman ang PLDT na ang order ni DOLE Sec. Silvestre Bello ay hindi alinsunod sa batas.