Close

PHL Ports Authority employee, patay sa pamamaril

Sponsor ads


Patay sa pamamaril ang empleyado ng Philippine Ports Authority sa Maug, Butuan City.

Nakilala ang lalaking biktima sa pangalan na Roberto Ibale.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kumatok muna ang hindi pa nakikilalang salarin sa bahay ng biktima.

Agad naman binaril ng suspek sa ulo si Ibale nang ito ay kanyang makita sa loob ng bahay.

Samantala, wala pang malinaw na motibo sa krimen pero tinitingnan na ng kapulisan ang angulo na posibleng may kinalaman ito sa trabaho ng biktima.