Close

PHL, tinanggal na ang COVID-19-related travel ban saTaiwan

Sponsor ads


Tinanggal na ng Pilipinas ang travel ban papunta at mula sa Taiwan sa gitna ng hakbang nito na maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease-2019.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang desisyon ay kasunod ng pulong ng Inter-Agency Task Force para sa Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Maliban dito, susuriin rin ng IATF ang iba pang jurisdictions, kabilang na ang Macau, para sa posibleng lifting ng travel ban matapos ang kanilang pagsusumite ng protocols na layong maiwasan ang potential carriers ng virus.

Mababatid na kabilang rin sa travel ban ng bansa dahil sa COVID-19 ay ang mainland China at Hong Kong.

Una nang tinalakay ng gobyerno ng Taiwan ang posibleng retaliatory measures laban sa Pilipinas kabilang na ang kanselasyon ng visa-free entry para sa mga Filipino bilang resulta sa travel ban.

Iginiit rin ng Taiwan na sila ay isang state independent mula sa China.