Close

PHIVOLCS, itinaas ang Alert Level 1 sa Taal Volcano

Sponsor ads


Itinaas ng PHIVOLCS ang Alert Level 1 sa Taal Volcano sa Batangas matapos nitong maitala ang 87 volcanic earthquakes sa loob ng 24-oras na observation period.

Sinabi ng ahensya na naramdaman ang Intensity I sa northern at southern sectors ng bulkan.

Dahil sa Alert Level I ay mananatiling off limits sa publiko ang main crater dahil sa posibilidad ng steam explosions.

Ipinaalala naman ng ahensya sa publiko hindi pinapayagan ang permanent settlement sa Volcano Island dahil kinukunsidera ang lugar bilang permanent danger zone.

Huling nagkaroon ng pagputok ng bulkan noong October 3, 1977.