Close

PHISGOC inihanda na ang ilang pagbabago sa schedule ng ilang sports sa SEA Games

Sponsor ads


Inihahanda na ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang pagbabago sa schedule ng ilang sports events sa Subic dahil sa inaasahang pagdating ng Bagyong Tisoy.

Ayon kay PHISGOC sports director Karen Tanchanco-Caballero, ilan sa mga apektadong laro ay ang:

Beach volleyball
Canoe/kayak/traditional boat race
Muay thai
Pencak silat
Sailing/windsurfing
Triathlon/duathlon
Modern pentathlon
Surfing

Samantala, tuloy naman ang laro sa orihinal na competition schedule ng table tennis, sepak takraw, beach handball, chess, open water swim at rowing.

Nauna nang tiniyak ni PHISGOC chief operating officer Ramon Suzara na mayroong silang contigency plans sa biennial meet events na maapektuhan ng Bagyong Tisoy.