Close

PH team, 3 ginto na ang nasusungkit sa 2018 Asian Para Games

Sponsor ads


Umabot na sa tatlo ang gintong iuuwi ng Philippine team mula sa 2018 Asian Para Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Ito'y matapos na idomina ni chess master Sander Severino ang men's B1 individual event nang makakuha ng 5.5 points mula sa apat na wins at tatlong draws.

Tinalo ni Severino sina Sinaga Suhardi ng Indonesia sa unang round, si Firdaus Maksum ng Indonesia sa second round, Kutwal Shashikanta Appaso ng India, sa ikatlong round at ang kababayang si Rom Jasper Belarmino sa ika-apat na round.

Tabla naman ang laban ni Severino kina Soltanov Serik ng Kazakhstan sa fifth round, Sutikno Sutikno ng Indonesia sa sixth round at Kuchibhotla Venkata Krishna ng India sa final round.

Dahil dito, ginto ang iuuwing medalya ni Severino habang pilak ang nakuha nina Maksum at tanso naman si Belarmino.

Sa kabuuan, tatlong ginto na ang nalikom ng Pilipinas, anim na pilak, at anim na tanso.





Image from: Red Ox Media Events facebook page