Close

PH nakakuha na ng 25M doses ng Sinovac COVID-19 vaccine

Sponsor ads


Nakakuha na ang Pilipinas ng 25 million doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese firm Sinovac, kung saan ang initial batch ay inaasahang darating sa Pebrero.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang susunod na mga batches ay inaasahang darating sa bansa hanggang sa katapusan ng 2021, bilang karagdagan bakuna mula sa British firm AstraZeneca.

Mula dito, 50,000 doses ang darating sa susunod na buwan, 950,000 sa Marso, at dalawa hanggang tatlong milyon sa mga susunod nitong buwan, hanggang sa makompleto ang 25 million pagdating ng Disyembre.

Una nang sinabi nia COVID-19 policy chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na target ng Pilipinas na mabakunahan ang 50 hanggang 70 million Filipinos laban sa COVID-19 ngayong taon.

Mababatid na naglaan ang gobyerno ng P73.2 billion para sa procurement ng bakuna, kung saan P40 billion ay mula sa multilateral agencies, P20 billion mula sa domestic sources, at P13.2 billion mula sa bilateral agreements.