Close

PH at China, nananatiling magkaibigan - Palasyo

Sponsor ads


Nananatili ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China sa kabila ng kontrobersiyal na issue na kinasasangkutan ng dalawang bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, "friendly at cordial" ang ugnayan ng dalawang bansa sa kabila ng inihaing diplomatic protest ng Pilipinas laban sa China kaugnay sa umanoy presensya ng Chinese vessels sa West Philippine Sea.

Binigyang diin ni Panelo na hindi naging hadlang sa relasyon ng magkabilang bansa ang pagiit ng Pinas sa karapatan nito sa naturang teritoryo.

Samantala, wala pang tugon sa ngayon ang China hinggil sa reklamo.

Nauna naman tiniyak ng Palasyo na kung soberanya at teritoryo ng Pilipinas ang pag-uusapan ay hindi sila magiging mabait sa China.