Close

PH National Arnis Team nakapag-uwi na ng 12 gold medals

Sponsor ads


Nakapag-uwi na ng 12-gintong medalya ang Philippine National Arnis Team sa 30th Southeast Asian Games!

Natalo ni Jesfer Huquire ang pambato ng Cambodia na si Nay Lin Oo sa Arnis paddlestick bantamweight division.

Pinaulanan naman ng palo ni Elmer Manlapas ng Pilipinas ang isa pang pambato ng Cambodia na si Chun Ssok sa Featherweight division.

Wagi rin si Carloyd Tejada at nasungkit ang ikatlong ginto ng Pilipinas para sa welterweght division kung saan natalo nito ang Myanmar.

Kasama rin sa mga nanalo sa women’s paddlestick competition sina Abigail Abad (welterweight), edah Mae Soriano (featherweight division), Ross Ashley Monville (lightweight) at Sheena Del Monte (bantamweight).