Close

PH, nakapag-test na ng mahigit 3 milyong katao para sa COVID-19

Sponsor ads


Umabot na sa mahigit tatlong milyong Pilipino ang na-test na sa buong bansa para sa COVID-19 as of mid-September.

Sa isang statement, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer and testing czar Vince Dizon na tumaas na sa halos 42,000 ang naisasagawang COVID-19 testing kada araw sa bansa.

Ayon kay Dizon ang patuloy na aggressive testing program ng pamahalaan ay bahagi ng national action plan phase 2 na mayroong “prevent, detect, isolate, treat, and reintegrate” strategy.

Dagdag ng testing czar na nadagdagan ang COVID-19 laboratories sa buong bansa dahil sa task force test, trace, and treat coalition kasama ang mga pribadong sektor.

Sa ngayon mayroon nang 125 accredited labs ang bansa.

Sinbabi pa ni Dizon na pinag-aaralan na rin ng gobyerno ang marami pang innovations para makapag-test pa ng mas maraming mga Pilipino, kabilang dito ang antigen at pooled testing.

Tinitignan na rin aniya kung paano mapabilis ang turnaround time sa paglalabas ng test results.