Close

PH, naitala ang 1,080 bagong COVID-19 cases

Sponsor ads


Panibagong 1,080 na kaso na naman ng COVID-19 ang naidagdag sa tally ng Department of Health, dahilan para pumalo sa 37,514 ang kabuoang bilang ng infections.

Sa mga bagong kaso, 858 ang fresh habang ang 222 ay bahagi ng validation backlog.

Ito ang pang-apat na pagkakataon, mula sa mga nakalipas na linggo na nakapagtala ang mga health officials ng 1,000 na mga bagong kaso sa loob lang ng isang araw.

Kaugnay nito, umakyat naman sa 10,000 mark ang bilang ng mga recoveries matapos na maitala ng DOH ang karagdagang 277 pasyente na nakarekober.

Samantala, 11 naman ang hindi napagtagumpayan ang laban kontra sa virus dahilan para pumalo sa 1,266 ang kabuoang death toll.