Close

PH, naghain na ng protesta kasunod ng vessel collision sa WPS

Sponsor ads


Nagsampa na ng diplomatic protest ang Pilipinas kasunod ng insidente sa West Philippine Sea nitong Linggo.

Ito ang inanunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa kanyang Twitter matapos ang rekomendasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na dalhin ang isyu sa international agency.

Ang tinutukoy na isyu ay ang lumubog na bangka ng 22 mangingisdang Pinoy matapos silang banggain ng isang Chinese vessel sa Reed Bank.

Sinabi ni Locsin na pinag-aaralan na ang insidente ng International Maritime Organization (IMO).

Mababatid na tinawag na "hit and run" ng kalihim ang ginawa ng Chinese vessel sa mga magingisdang Pinoy at kanya itong kinukundena.

Buti na lamang ay nagkataong nasa area ang isang Vietnamese fishing vessel at sinagip ang mga Pilipinong crew.

Una nang sinabi ng Palasyo na hihilingin nila sa Beijing na parusahan ang crew ng Chinese ship na sangkot sa insidente.