Close

PH, may P13.6B calamity funds pa para sa tag-ulan - DBM

Sponsor ads


Inihayag ng Department of Budget and Management na mayroon pang P13.6-B na pondo ang Pilipinas para sa inaasahang natural calamities lalo na't papalapit na ang tag-ulan sa gitna ng kinahaharap ng bansa na COVID-19 pandemic.

Sa datos ng DBM, may available balance pa na P13,677,919,958 sa national disaster risk reduction and management fund (NDRRMF) mula sa kabuoang P16 billion appropriation mula sa P4.1-trillion national budget para sa 2020.

Kaugnay nito, lumalabas rin na may P2.1 billion mula NDRRMF ang naipamigay na sa tatlong ahensya bilang tugon sa COVID-19 crisis na binubuo ng P1.5-billion special allotment release order (SARO) na replenishment sa quick response fund ng Department of Agriculture; P500-million SARO para para sa Department of National Defense.

Inilalarawan naman ng DBM ang QRF bilang stand-by fund na ginagamit para i-cover ang relief at rehabilitation sa mga kumunidad o lugar na tinamaan ng mga kalamidad, epidemya, krisis at iba pang sakuna.