Close

PH, makakaranas ng winter solstice sa Dec 22

Sponsor ads


Mararanasan ang pinaka-mahabang gabi sa darating na December 22 dahil sa tinatawag na winter solstice.

Para sa ibang bansa, ito ang hudyat nang simula ng winter season sa Northern Hemisphere.

Sa kabilang bansa naman o Southern Hemisphere, hudyat ito ng summer.

Tinuturing ito bilang isang astronomical event kung saan nasa pinaka-malayong posisyon sa Timog bahagi ng ekwador ang araw.

Magdudulot ito ng mas malamig na panahon sa bansa.

Sisikat ang araw ng 6:16 ng umaga sa Disyembre 22 at ang sunset naman ay magaganap sa 5:32 ng gabi.

Sa kabuuan, makakaranas ng 12 oras at 44 minutong gabi sa buong bansa.