Close

PH, magiging coinless society na sa 2025- BSP

Sponsor ads


Pagdating ng taong 2025, inaasahang magiging coinless society na ang Pilipinas dahil posibleng QR codes na ang gamitin sa mga maliliit na transactions.

Sa isang panayam, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na dahil sa COVID-19, bumilis ang pag-transition ng bansa sa digital financial transactions dahil sa pangangailangan ng contactless payment solutions.

Aniya, QR codes na ang posibleng gamitin sa pamamagitan ng national identification system.

Mababatid na ang BSP ang nag take charge sa pag-print ng national ID sa capacity na 154,000 cards kada araw, na mayroong QR code sa likod nito.

Noong 2018, inilunsad ng BSP ang bagong designs ng New Generation Currency (NGC) Coin Series sa P10, P5, piso, 25 centavos, at 1 centavo.

Pero una nang sinabi ng BSP governor na nais nyang 50 percent ng lahat ng transactions ay isagawa digitally sa katapusan ng kanyang termino sa 2023, kung saan 70 percent ng lahat ng Pilipino ay mayroon na ng bank account.