Close

PH, lumagda ng 2 loans sa AFD sa halagang P14B

Sponsor ads


Nilagdaan na ng Pilipinas ang dalawa pang loan agreements na may halagang halos P14 billion para pondohan ang finance infrastructure development at financial inclusion sa bansa.

Ayon sa Department of Finance (DOF), ang naturang loan agreements ay mula sa Agence Française de Développement (AFD) noong June 9, na parehong co-financed sa Asian Development Bank (ADB).

Ang kasunduan ay kinabibilangan ng €150 million para sa Expanding Private Participation in Infrastructure Program (EPPIP).

Dagdag ng DOF, ang policy-based loan na naglalayong paigtingin ang private sector participation sa infrastructure financing sa harap ng plano ng gobyerno na bilisan ang pagpapatupad ng mga infrastructure program.

Matatandaan na noong nakaraang linggo lang nang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, Jr. na umaabot na sa halos $5.758 billion ang nakukuhang loans ng bansa para maipanatili ang efforts laban sa coronavirus pandemic.