Close

PH, invited sa global clinical trial para sa COVID-19 vaccine sa China

Sponsor ads


Nakatanggap ang Pilipinas ng imbestasyon mula sa China para dumalo sa global clinical trial para sa posibleng bakuna laban sa coronavirus disease 2019.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang alok ay mula sa Sinopharm Group, ang pinakamalaking pharmaceutical company sa China.

Dagdag ni Duque, mayroon nabuong bakuna ang naturang kompaniya, ngunit kailangang sumailalim ito sa mga clinical trials para masiguro ang safety at efficacy.

Sinasabing hindi pa umano tinanggap ng health secretary ang naturang alok at hindi pa nito kinumpirma kung ito ay tinanggap na ng gobyerno ng Pilipinas.

Una nang ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “good news” hinggil sa progreso ng Chinese researchers sa pagbuo ng bakuna laban sa COVID-19, at sinabing mananatiling buhay ang mga Pilipino hanggang sa mailabas ito sa 2021.