Close

PH, handang gumastos ng P20B para sa COVID-19 vaccine

Sponsor ads


Binigyang diin ng Duterte administration na may sapat na pondo ang gobyerno para sa pagbili at mamahagi ng libreng bakuna laban sa coronavirus para sa 20 milyong Pilipino, sa oras na ito ay maging available na.

Si Finance Secretary Carlos Dominguez III, na siyang inatasan ni Pangulong Rorigo Duterte na maghanap ng funding, ay idenetalye ang plano ng Pilipinas para sa pagbili ng 40 milyong doses ng bakuna na mayroong estimated cost na P20 billion.

Ayon kay Dominguez, ang bakunang pipiliin ng DOH ay bibilhin sa pamamagitan ng Philippine International Trading Corporation (PITC), na nasa ilalim ng Department of Trade.

Ito ay unang popondohan ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines, at babayaran ng DOH.

Dahil dito, binigyang diin ni Dominguez na sa oras na maging readily available ang bakuna sa Pilipinas ay makakarekober na ang ekonomiya ng bansa.