Close

PH, all set na para sa COVID-19 phase 3 clinical trial sa Nov

Sponsor ads


Sisimulan na ng Pilipinas ang pagsasagawa ng COVID-19 vaccine clinical trials sa susunod na buwan.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang naturang inisyatibo ay pangungunahan ng Inter-Agency Task Force’s Sub-technical Working Group (TWG) on COVID-19 Vaccine Development, kasama ang Department of Science and Technology bilang chairman.

Sinabi pa ng DOH, na lahat ng applications para sa clinical trials na gagawin sa bansa, ay kailangan isumite sa sub-TWG for Vaccine Development at ang mga kaukulang dokumento ay irereview ng Vaccine Expert Panel and the Ethics Review Committees.

Ang mga ito ay binubuo ng vaccine experts, technical experts, at scientists na siyang mag-identify, mag-eevaluate, at magrerekomenda ng posibleng vaccine candidates para sa Pilipinas.

Matapos naman ang masusing pagre-review sa clinical trial applications, ito ay isusumite sa Food and Drug Administration (FDA) para sa final pass.