Close

PDP-Laban, ipagpapatuloy ang pagsusulong sa federal charter

Sponsor ads


Tiniyak ni PDP-Laban President Sen. Koko Pimentel na ipagpapatuloy nila sa kanilang partido ang pagsusulong sa pagpapalit ng porma ng gobyerno sa 18th Congress.

Ang pangunahing batas na isusulong ni Pimentel sa oras na muli aniya itong mahalal sa Senado ay ang matagal na nitong ikinakampanya na Federalismo.

Paliwanag ng senador, ang isa aniyang paraan ng paglaban sa kahirapan sa bansa ay ang pagkakaroon ng mas maayos at mabisang governmental set-up.

Maagang nagtungo sa tanggapan ng Commission on Elections para mag-file ng certificate of candidacy si PDP-Laban President Sen. Koko Pimentel kahapon.

Ayon kay Pimentel, inagahan niya ang paghahain ng COC dahil nais na nitong gamitin ang panahon upang matutukan ang kaniyang nalalapit na kasal kay Kathryn Yu.

Hinimok naman ni Pimentel ang kaniyang mga kapartido na tulad niya ay magsuot ng pula kapag naghain na ang mga ito ng kani-kanilang COC.

Giit nito, sumisimbolo ang pula sa mga radikal na pagbabago na isinusulong ng PDP-Laban. // GLENN PARUNGAO