Close

PDEA, handang isumite ang drug war records sa ICC

Sponsor ads


Nagpahayag ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kahandaang isumite ang mga data kaugnay sa anti-drug war ng Duterte administration sa International Criminal Court (ICC) kung saan nahaharap si Pangulong Rodrigo Duterte sa reklamong crime against humanity.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni PDEA spokesman Derick Carreon na hindi sila mag-aatubiling isumite ang hawak nilang records kung ito ay ipapa-summon ng ICC.

Subalit nilinaw naman ni Carreon na hindi nila pangungunahan ang proceedings ng ICC.

Una nang sinabi ng Palasyo na naniniwala silang walang basehan ang reklamong crime against humanity na kinakaharap ni Pangulong Duterte dahil sa anti-drug war ng gobyerno. // LEY BAGUIO