Close

PDAF scam: Graft vs Honasan, ibinasura ng Sandigan

Sponsor ads


Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating senator at ngayo'y Information and Communications Technology Secretary Gregorio “Gringo” Honasan III at mga kapwa akusado, kaugnay sa umano'y maling pag-gamit ng milyon-milyong piso ng pork barrel funds na para sa livelihood project sa mga Muslim communities.

Ayon sa anti-graft court’s second division, bigo ang mga ebidensya ng prosekusyon na na magbuo ng sapat na mga elemento sa naturang kaso at ma-overcome ang presumption of innocence, pabor sa mga akusado.

Mababatid na una nang naglabas ang Sandiganbayan laban sa naturang mga indibidwal ng arrest warrant noong August 2017, dahil sa umano'y mag-gamit ni Honasan sa kanyang Priority Development Assistance Fund o pork barrel noong 2012.

Sinabi naman ng Ombusdman na pinayagan nito ang pagbabayad ng P29.1 million sa non-government organization Focus Development Goals Foundations Inc. sa dalawang tranches nang hindi sumusunod sa panuntunan ng procurement.