Close

PCOO, Palasyo, kontra sa partnership ng Facebook sa ilang media firms

Sponsor ads


Pinuri ng Presidential Communications Operations Office at ng Malacañang ang hakbang ng Facebook kontra fake news.

Sa isang pahayag, sinabi ng PCOO na all-out support ito sa paglaban ng Facebook sa pagpapakalat ng false news na lumalason sa online community

Naniniwala rin ang PCOO na ang pagpapakalat ng false news ay nagreresulta lamang sa mababang klase ng diskurso.

Gayunpaman, nilinaw ng PCOO na kokontrahin nito ang partnership ng Facebook sa media firms na Rappler at Vera Files para sa pag-fact check ng mga balita na pinapakalat sa nasabing social media website.

Bagay ito na sinuportahan ni Presidential Spokesman Harry Roque dahil may kinikilingan daw ang Rappler at hindi ito patas sa pag-uulat.

Samantala, sinabi rin ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na hindi problema sa kanya ang paghihigpit ng Facebook sa fake news ngunit hindi daw siya pabor na ang Rappler ang inatasan nito na mag-fact check sa mga balita na ipinapakalat sa nasabing social media site.