Close

PCCIC, pinapaharang sa SC ang pagkalas ng bansa sa ICC

Sponsor ads


Dumulog sa Korte Suprema ang ilang non-goverment organization upang hilingin dito na ipawalang bisa ang notice ng gobyerno na kumalas sa United Nations treaty na lumikha sa International Criminal Court (ICC).

Sa 51-pahinang petisyon ng grupong Philippine Coalition for the International Criminal Court (PCICC) ay sinabi nito na kailangan ng executive department ng concurrence ng Senado bago ito nagpalabas ng notice kaugnay sa pagkalas ng bansa sa Rome Statute.

Ayon sa koalisyon, umabuso sa kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte nang magdesisyon ito ng mag-isa na umalis sa treaty na nilagdaan noong Disyembre, 2000 at naratipikahan noong August, 2001.

Anila, labag sa batas ang ginawa ng Pangulo.

Kaugnay nito ay sinabi ng PCICC na ang grupo nila ay binubuo ng mga indibidwal at korporasyon na nangampanya para maging bahagi ang Pilipinas bilang state party sa Rome Statute.

Samantala, nanindigan ang Malacañang na ang punong ehekutibo ay ang chief architect ng foreign policy ng bansa at walang probisyon sa Konstitusyon ang nagsasabi na kailangan munang magpaalam ng executive branch sa Senado bago kumalas ang bansa sa anuman international treaty.