Close

PBB hosts babies, viral sa social media

Sponsor ads


Viral sa social media ngayon ang mini-get together photos ng mga magkakaibigan at dating mag-co hosts ng reality TV show na PBB.

Nagkita-kita kasi sina Toni Gonzaga-Soriano, Bianca Gonzales-Intal at Mariel Padilla upang pagsamain sa isang litrato ang kanilang mga cute na anak.

Sa isang Instagram posts, sinabi ni Mariel na ina ni Maria Isabella Padilla: "It finally happened! It was sooo hard to get a picture of the 3 of them all together at one point we had to bribe them with gadgets."

Makikita naman sa litrato na magkasama sina Maria, Seve Soriano at Lucia Intal ang caption ni Bianca na: "Kuya's grandkids."

Matatandaan na nagsilbi si Toni, Bianca at Mariel bilang favorite hosts ni Kuya ng reality TV show na Pinoy Big Brother na unang umere sa telebisyon noong 2005.