Close

PBA players, mas pinili ang bubble set-up para sa resumption ng season

Sponsor ads


Napili ng mga players ng Philippine Basketball Association na magresume ng season sa pamamagitan ng "bubble" set-up, at tinutulan ang closed circuit scenario.

Ayon sa mga manlalaro, mas prefer umano nila ang bubble na kapareho sa ginagamit ng NBA, kung saan naka-quartered ang lahat ng teams sa isang centralized venue.

Payag rin umano ang mga ito sa "semi-bubble," kung saan ang mga players ay magmumula sa kanilang hotel papunta sa team shuttle at dideretso sa game venue.

Mababatid na sa closed circuit, magmumula ang mga players sa kanilang mga bahay papunta sa venue.

Bagama't tiniyak ng mga manlalaro kay PBA commissioner Willie Marcial na handa sila sa bubble sa loob ng dalawang buwan para magresume ang All-Filipino Cup, ay may ilang concerns pa rin ang mga ito, gaya sa rooms at accommodations.