Close

PBA legend Allan Caidic, sinariwa ang record na 79-point game

Sponsor ads


Sinariwa ng tinaguriang "The Triggerman" ang kanyang 79 points noong Nobyembre 21, 1991, nang hinarap ng kaniyang team na Presto Tivoli ang Ginebra San Miguel.

Nasa record books ng liga ang nakilalang PBA legend na si Allan Caidic matapos pumukol ng 79 points sa isang laro nang hinarap ng kaniyang Presto Tivoli ang Ginebra San Miguel.

Ito ang highest single-game points total para sa isang local player.

Pagbabalik-tanaw ni Caidic, hindi sana siya maglalaro dahil kulang umano ang kanyang tulog noong araw na iyon dahil binabantayan niya sa ospital ang misis na manganganak na sana.

Sa second quarter ng laro ay agad naka-score ang PBA legend ng 27 points at dito bumuo ang team ng record para mabasag nila ang 15 3-pointers na gawa rin ni Caidic.

Sa kalaunan naka 17 triples ito para burahin ang dating marka, pero nagtuloy-tuloy pa ang record-breaking night ni Caidic, hanggang sa nakaabot ng 77 points.

Dahil doon, nakuha ni Caidic ang record para sa most points in a half sa 53, in a quarter sa 37, at 3-point attempts sa 27 at makes na 17, maliban pa na natalo nila ang Ginebra sa 162-149.