Close

PAL, target magbukas ng flights pa-Baguio City

Sponsor ads


Target ng flag carrier na Philippine Airlines na maglunsad ng flights patungo sa Baguio City sa sandaling buksan na muli ang Loakan airport.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, pareho nilang nakita ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang pangangailangan na

isaayos ang paliparan para sa safety purposes.

Kailangan aniyang isailalim sa modernisasyon ang Loakan airport dahil sa ngayon ay Fokker planes pa lang ang nakakalapag rito.

Paliwanag pa ni Pernia, kapag nag-improve na ang airport na aabutin nang 50 million pesos ang konstruksyon ay mas maraming flights ang mag-ooperate.

Itutuloy ng gobyerno ang pag-aaral na buhayin ang operasyon nito sa kabila ng malapit na distansya mula sa San Fernando Airport sa La Union at

matatapos na ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.