Close

PAF, nakatanggap na ng go signal para sa cloud seeding ops

Sponsor ads


Maaari nang simulan ang pagsasagawa ng cloud seeding operations sa mga lugar na apektado ng El Niño phenomenon.

Ito ay matapos makatanggap ng go signal ang Philippine Air Force para sa nasabing operasyon.

Ayon kay Air Force spokesperson Major Aristides Galang, posibleng isagawa ang operasyon sa Region 2 at 12 mula ngayong linggo hanggang sa May 21 base sa rekomendasyon ng Department of Agriculture.

Ngayong darating na weekend ay sisimulan ang operasyon sa lalawigan ng Isabela na isa sa nakakaranas ng tagtuyot dulot ng matinding init at kakulangan ng tubig ulan.

Ang Nomad aircraft na mula sa 220th Airlift Wing ng Benito Ebuen Air Base sa Cebu City ang gagamitin ng 900th Air Force Weather Group sa naturang operasyon.