Close

P90M halaga ng shabu sa loob ng mufflers, narekober - BOC

Sponsor ads


Nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P90 million na halagang ng pinaghihinalaang shabu na isinilid sa tatlong mufflers sa Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa ginawang pagsusuri ng Customs examiners sa shipment, nadiskubre ang nasa 13.1 kilograms ng pinaghihinalaang shabu.

Batay sa ulat, dumating umano ang shipment sa bansa noong December 23, 2018 mula sa California, United States of America (USA).

Ayon sa PDEA agents, posibleng galing umano ang shabu sa Mexico at dumaan sa US border.

Wala naman umanong nag-claim sa naturang package at ang pangalan na ideneklarang consignee ay maari rin umanong peke.